Ang paulit-ulit na Yellow at Red Alerts sa Visayas Grid ay nagbubukas ng mahalagang tanong tungkol sa adequacy at reliability ng ating power reserves. Kapag nagkaroon ng forced outage o derating ang mga generating plants, dapat malinaw kung sapat ang required reserves, gaano karami ang kinontrata, gaano karami ang aktuwal na available, at ilan ang na-dispatch noong kailangan ng grid.
Kung nagbabayad ang consumers para sa Ancillary Services, karapatan nilang malaman kung ang serbisyong kanilang binabayaran ay talagang available at na-deliver noong kritikal ang sitwasyon.
Kaya hinihingi ng NASECORE sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang malinaw na reconciliation ng Required Reserve, Contracted Reserve, Available Reserve, at Actually Dispatched Reserve sa panahon ng Yellow at Red Alerts sa Visayas.
Hindi maliit ang epekto ng brownoutโnawawala ang productive hours, naaantala ang negosyo at mahahalagang serbisyo, at nagkakaroon ng dagdag na gastos na sa huli ay pasan ng consumers at ng ekonomiya.
Kailangan ng linaw at accountability. Reliable electricity is a fundamental public service and an economic necessity.
Want to know the full basis of NASECOREโs questions to the ERC? Click the link attached: https://tinyurl.com/bddsyvak