Hindi tutol ang NASECORE sa pagbawi ng lehitimo at tamang under-recovery. Ngunit bago ipasa sa consumers ang โฑ7.299 bilyong Generation Rate Under-Recovery (GOUR), dapat malinaw at masusuri muna kung paano nabuo ang halaga at kung ito ay suportado ng tamang rates, invoices o settlements, dating collections, credits, offsets at corrections.
Hindi rin sinasabi ng NASECORE na napatunayan nang may double recovery. Ang hinihingi natin ay malinaw na patunay na walang parehong invoices, billing periods, rate adjustments o prior pass-throughs na naisama sa higit sa isang recovery stream. Sa madaling salita, bawat lehitimong gastos ay dapat makolekta isang beses lamang.
Kaya nananawagan ang NASECORE sa ERC na tiyaking may kumpletong reconciliation bago tuluyang maipasa ang disputed GOUR sa consumers, at na ang anumang halagang hindi pa ganap na maipaliwanag o ma-reconcile ay hindi muna dapat ipatupad.
Hindi ito pagtutol sa lehitimong singil. Panawagan ito para sa transparency, accountability, at proteksiyon ng consumers.