Ang paulit-ulit na Yellow at Red Alerts sa Visayas Grid ay nagpapakita na hindi sapat na tingnan lamang ang nakakontratang megawatts sa papel. Dapat malinaw kung gaano karami ang dependable generation at kung gaano karami ang aktuwal na available kapag mataas ang demand o may forced outage at derating ang mga planta.
Kaya hinihingi ng NASECORE sa Department of Energy (DOE) ang malinaw na reconciliation ng Projected Power Requirement โ Contracted Supply โ Dependable Generation Capacity โ Actual Available Generation โ Supply Deficiency, kung mayroon.
Kung sapat ang supply ayon sa mga plano at kontrata, bakit paulit-ulit na nagiging kritikal ang Visayas Grid?
Ang brownout ay hindi lamang abala. May epekto ito sa negosyo, trabaho, serbisyo, at ekonomiya. Kaya kailangan ang malinaw na paliwanag at konkretong hakbang upang maiwasan ang pag-ulit nito sa Visayas at sa iba pang grids.
To read the full letter and NASECOREโs detailed questions to the DOE, click the attached link: https://tinyurl.com/yuz7f3ca