𝗥𝗘𝗔𝗗: Sa 2026 SONA, nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na amyendahan ang EPIRA upang hindi na maipasa sa mga konsyumer ang System Loss, kasama ang VAT nito.
Tinanggal na ang VAT sa allowable System Loss, pero nananatili ang mismong charge.
Kaya noong 2 Oktubre 2026, sumulat ang NASECORE sa ERC upang humingi ng malinaw na paliwanag at patunay kung paano kinukuwenta at sinusuri ang System Loss na patuloy na ipinapasa sa mga konsyumer.
Habang nananatili ang System Loss sa ating electric bill, mahalagang malaman hindi lamang kung magkano ang sinisingil, kundi kung paano ito kinuwenta, anong records ang sumusuporta rito, at kung tama at makatarungan ba talaga ang halagang pinagbabayaran ng mga konsyumer.
Kung ipinapasa sa publiko ang isang charge, dapat malinaw at mapapatunayan ang basehan nito.
Kung nais mong basahin ang sulat ng NASECORE sa ERC, i-click lang ang link na ito: https://tinyurl.com/3b2h2455