Sa simpleng salita, ang rate-setting ay proseso kung saan sinusuri ng ERC kung magkano lamang ang tama at makatarungang distribution charge na maaaring singilin ng electric distribution utility sa consumers.
Dito tinitingnan ang mga gastusin, investments, at iba pang halagang maaaring payagang mabawi upang matukoy kung magkano lamang ang nararapat na singilin para sa distribution service.
Ngunit sa loob ng mga naantalang regulatory periods, tuloy-tuloy ang pagbabayad ng consumers habang hindi napapanahong natatapos ang pagsusuri at reconciliation ng mga singil.
Kaya sa liham ng NASECORE sa ERC, malinaw ang tanong: kailan sisimulan at kailan matatapos ang mga naantalang proseso ng rate-setting?
Ano ang epekto ng delay sa consumers? Kapag nahuhuli ang rate-setting at pagsusuri, nahuhuli rin ang pagtiyak kung tama, sobra, o kulang ang nakolekta sa consumers.
Kung may sobrang singil, maaaring lumipas ang mga taon bago ito matukoy at maibalik.Kung may kulang naman, maaari itong maipon at kalaunan ay hinging mabawi mula rin sa consumers.
Kaya para sa NASECORE, hindi sapat na maitama lamang ang singil pagkatapos ng maraming taon. Ang consumer protection ay dapat napapanahon at tuloy-tuloy—dahil tuloy-tuloy din ang pagbabayad ng consumers.
Kung nais mong basahin ang sulat ng NASECORE sa ERC, i-clink lang ang link na ito: https://tinyurl.com/c5fab6a6