Nagpadala ang NASECORE ng sulat sa DOE tungkol sa Manual Load Dropping (MLD) sa Visayas Grid. Sumagot ang DOE at sinabing may ginagawa nang imbestigasyon at physical inspection. Pero sa kanilang tugon, wala pang kalakip na records, technical findings, inspection reports, at iba pang dokumentong magpapakita kung ano talaga ang sanhi ng MLD.
Para sa NASECORE, hindi sapat ang paliwanag lamang. Kailangang malinaw sa consumers kung anong planta ang nagkaaberya, may sapat bang reserve power, may problema ba sa transmission, at bakit umabot sa puntong kinailangang mag-MLD. Ito ang mga tanong na kailangang sagutin ng ebidensiya.
Hinihingi rin ng NASECORE na maging regular at tuloy-tuloy ang monitoring at inspection ng mga power plant, reserve at Ancillary Services, at critical transmission facilitiesβhindi lamang kapag may nangyari nang brownout o MLD.
Nagpadala rin ang NASECORE ng mga liham sa ERC at NGCP kaugnay ng MLD. Sa ngayon, DOE pa lamang ang tumugon.
Basahin ang mga sulat ng NASECORE sa DOE patungkol sa MLD sa link na ito: https://tinyurl.com/muun9d94