Ngayong 18 August 2026, muling inilagay sa Red Alert ang Visayas Grid. Ayon sa NGCP advisory, nasa 2,410 MW lamang ang available capacity kumpara sa 2,502 MW peak demand, kasabay ng mga plant outages at limitadong power import mula Mindanao.
Para sa NASECORE, hindi na sapat ang paulit-ulit na pag-aanunsyo ng Red Alert.
Ang mas mahalagang tanong ay: Ano ang ginagawa ng DOE at ERC upang matiyak na epektibong natutupad ang mga obligasyon ng mga generators at ng NGCP para mapanatiling reliable, adequate, secure at stable ang ating power grid?
Kung may mga generating plants na matagal nang unavailable, dapat malinaw sa publiko:
Bakit sila hindi available? Gaano na katagal? Sapat ba ang power reserves? At ano ang regulatory action na ginawa upang hindi paulit-ulit na malagay sa panganib ang supply ng kuryente sa Visayas?
โHindi sapat ang paulit-ulit na anunsyo ng Red Alert. Dapat ipaliwanag ng DOE at ERC kung bakit may matagal na plant outages, kung sapat ang power reserves, at kung epektibong naipapatupad ang obligasyon ng generators at NGCP na panatilihing reliable, adequate, secure at stable ang grid.โ President of NASECORE, Mr. Pete L. Ilagan.
Ang mga consumer ay hindi dapat maging huling nakakaalam at unang naaabala. Kailangan ang transparency, accountability, at epektibong regulatory oversight bago pa maging normal ang Red Alert at brownout.