Isinusulong ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagtanggal ng 12% VAT sa system loss charges, isang hakbang na tinatayang makapagtitipid sa mga electricity consumers ng humigit-kumulang โฑ6 bilyon kada taon.
Malugod na tinatanggap ng NASECORE ang anumang agarang bawas sa singil ng kuryente. Ngunit para sa consumers, may mas mahalagang tanong: BAKIT VAT LANG?
Kung mismong recoverable system loss ang mas agresibong babawasan at ipa-phase out, hindi lamang ang system loss charge ang mababawasanโkasama ring mawawala ang VAT na nakakabit dito.
At hindi kailangang hintayin muna ang Kongreso upang simulan ang hakbang na ito.
Sa ilalim ng umiiral na regulatory framework, ang ERC ang nagtatakda ng recoverable system-loss caps at may kapangyarihang higpitan ang mga ito upang itulak ang distribution utilities tungo sa mas mahusay at episyenteng operasyon. Ang ERC mismo ay nagpapatupad ng mga limitasyon kung gaano karaming system loss lamang ang maaaring ipasa sa consumers; anumang loss na lumampas sa pinapayagang cap ay kailangang akuin ng utility.
๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ก๐๐ฆ๐๐๐ข๐ฅ๐, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฉ๐๐ง ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ดโ๐ฏ๐๐ ๐ถ๐ ๐๐ต๐ผ๐๐น๐ฑ ๐ป๐ผ๐ ๐ฏ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐ฒ๐ป๐ฑ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ฟ๐ฒ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ.
Kung kayang pabilisin ng ERC at BIR ang administrative removal ng VAT nang hindi naghihintay ng bagong batas, dapat ding pabilisin ng ERC ang pagsusuri at progressive reduction o phaseout ng recoverable system loss na ipinapasa sa consumers, lalo na ang avoidable at non-technical losses. Ayon mismo sa ERC, ang panukalang VAT treatment ay maaari nitong maisagawa administratively kasama ang BIR, at nakatakda ang public consultation sa 25 August 2026.
๐ฉ๐๐ง-๐ผ๐ป๐น๐ ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐๐ฎ๐น = ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฎ๐น ๐ฟ๐ฒ๐น๐ถ๐ฒ๐ณ.
๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ ๐น๐ผ๐๐ ๐ฟ๐ฒ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ = ๐ฏ๐ถ๐ด๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐น๐ฎ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐๐บ๐ฒ๐ฟ ๐ฟ๐ฒ๐น๐ถ๐ฒ๐ณ.
Ang bawat piso sa electric bill ay dapat may malinaw na batayan, kinakailangan, episyente, at makatarungang ipinapasa sa consumers.
NASECORE will continue to ask: Kung may kapangyarihan nang bawasan at higpitan ang recoverable system loss, bakit VAT lang ang inuuna?