Noong 2022, ibinaba ng ERC ang interim average rate ng MERALCO mula ₱1.3810/kWh tungong ₱1.3522/kWh matapos ang mga pagwawasto sa regulatory calculations. May hiwalay ding humigit-kumulang ₱40.493 bilyong refund determinations para sa mga naunang taon. Ngunit kahit sa mas mababang rate, nagkaroon pa ng halos ₱32.1 bilyong refund determinations mula Hulyo 2022 hanggang Hunyo 2026, kabilang ang provisional refund na ₱2.64 bilyon.
Samantala, iniulat ng MERALCO na umabot sa ₱29.55 bilyon ang kontribusyon ng distribution-utility business nito sa core net income noong 2025. Ngayon, inaprubahan naman ng ERC ang bagong Maximum Average Price na ₱1.4764/kWh, mula sa dating ₱1.3522/kWh, o pagtaas na ₱0.1242/kWh (9.19%).
Dahil dito, noong Nobyembre 5, 2026, naghain ang NASECORE ng Motion for Reconsideration upang hilinging muling suriin, baligtarin ang pag-apruba, at pansamantalang suspendihin ang dagdag-singil.
Basahin ang Motion for Reconsideration ng NASECORE dito: https://tinyurl.com/bw37m8xk
Hinihiling din nitong matiyak ang pagsunod sa mga direktiba ng Korte Suprema at sa pamantayan ng EPIRA sa just and reasonable costs.
Hindi awtomatikong nagpapatunay ang mga naunang refund at iniulat na kita na hindi makatarungan ang bagong rate. Ngunit mahalagang malinaw na maipakita ng ERC kung bakit kinakailangan at makatwiran ang panibagong pagtaas na makaaapekto sa mga konsyumer.
MAKATARUNGANG SINGIL, KARAPATAN NG BAWAT KONSYUMER!