Hindi dapat maging normal ang paulit-ulit na Manual Load Dropping. Sa bawat MLD, pansamantalang pinuputol ang kuryente sa mga konsyumer—at ang epekto nito ay hindi biro: naaantala ang operasyon ng mga ospital, negosyo, paaralan, suplay ng tubig, kabuhayan, at mga tahanan. Kung emergency measure ito, bakit tayo paulit-ulit na umaabot sa ganitong sitwasyon?
Dahil dito, sumulat ang NASECORE sa NGCP, ERC, at DOE upang hilingin ang malinaw na paliwanag, accounting, verification, at imbestigasyon sa mga MLD event—kabilang kung sapat at nagamit ba muna ang available generation at reserve power, kung may naging problema sa transmission, at kung ano ang tunay na dahilan kung bakit kinailangang magpatupad ng MLD.
Hindi layunin ng NASECORE na agad sisihin ang alinmang ahensiya o institusyon. Ang hangarin ay malinaw: matukoy ang tunay na dahilan, malaman kung may pagkukulang, at masiguro na ginagawa ang lahat ng nararapat bago mawalan ng kuryente ang mga konsyumer.
Kung last resort ang MLD, dapat malinaw kung bakit tayo umaabot dito—at kung may pagkukulang, dapat may managot.
Kung nais mong mabasa ang mga sulat ng NASECORE sa tatlong ahensiya, i-click ang link na ito: https://tinyurl.com/mrxmtfkf