Muling nananawagan ang NASECORE sa Department of Energy (DOE) na linawin kung sapat ba ang Contingency Reserve o reserbang kuryente na nakakontrata, available, at handang i-dispatch sa oras ng biglaang pagkawala o pag-derate ng mga generating unit sa Visayas.
Sa gitna ng paulit-ulit na Yellow at Red Alerts at rotational brownouts, mahalagang malaman ng mga konsumer kung ang mga reserve na kanilang binabayaran sa pamamagitan ng Ancillary Services ay tunay na nakahanda at nagagamit kapag kinakailangan.
Ayon kay NASECORE President Pete L. Ilagan, โNagbabayad ang mga konsumer para sa Ancillary Services na dapat tumutulong upang mapanatiling maaasahan ang grid. Ang mga biglaang pagkawala ng generation capacity ay hindi dapat paulit-ulit na mauwi sa brownout.โ Ang liham ng NASECORE ay humihiling din sa DOE na tukuyin kung may kakulangan sa kinakailangang Contingency Reserve at kung ano ang naging dahilan nito.
Hinihikayat ng NASECORE ang DOE na ipaliwanag kung ang reserbang kuryente ay nakakontrata, available, at handang gamitin kapag kailangan.
Read the full letter to DOE: https://tinyurl.com/3jh6fpep