Mahalagang hakbang ang panukalang alisin ang system-loss chargeโpero hindi rito nagtatapos ang problema ng mataas na presyo ng kuryente.
30 July 2026 Pormal nang isinumite ng National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE) sa Office of the President, Senate Committee on Energy, at House Committee on Energy ang ๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฉ๐๐ซ na:
โ๐ผ ๐พ๐ค๐ข๐ฅ๐ง๐๐๐๐ฃ๐จ๐๐ซ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข ๐ฉ๐ค ๐๐๐๐ช๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐พ๐ค๐จ๐ฉ ๐ค๐ ๐๐ก๐๐๐ฉ๐ง๐๐๐๐ฉ๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐ก๐ฎ ๐๐ข๐ฅ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐๐๐๐ผโ๐จ ๐๐๐๐จ๐ฉ-๐พ๐ค๐จ๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฉ๐.โ
Nanawagan ang NASECORE na busisiin ang bawat piso na sinisingil sa mga konsumerโmula generation, transmission, distribution at system loss hanggang subsidies, renewable-energy allowances, market fees, taxes, adjustments, at iba pang pass-through charges.
Hindi sapat na tama lamang ang computation.
Dapat mapatunayan na ang bawat singil ay aktuwal, kinakailangan, makatwiran, legal, malinaw na nakikita sa bill, independiyenteng nasusuri, at alinsunod sa least-cost mandate ng EPIRA.
Kabilang sa mga pangunahing panukala ang buwanang pagsusuri at masusing validation ng lahat ng pangunahing singil sa kuryente, independent regulatory audits, malinaw na disclosure ng market fees at embedded charges, automatic true-up at agarang refund ng overcollections, regular na pagbusisi sa subsidies, taxes at renewable-energy allowances, at mas makabuluhang partisipasyon ng mga konsumer sa rate proceedings.
Ang tunay na reporma ay hindi nasusukat sa dami ng patakarang inilabasโkundi sa aktuwal na pagbaba ng singil sa kuryente.
Bawat piso sa bill ay dapat may malinaw na batayan, benepisyo, computation, at pananagutan.