๐๐๐ป๐ด ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฝ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด๐ป๐, ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐น๐ถ๐-๐๐น๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ด๐ฟ๐ถ๐ฑ ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐๐? ๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ผ๐ป๐ธ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ?
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก: Noong 1 Setyembre 2026, sumulat ang NASECORE sa ERC kaugnay ng paulit-ulit na grid alerts at Manual Load Dropping sa Visayas. Sa 11 Setyembre reply ng ERC, nakasaad na umabot na sa 123 grid alerts mula Enero hanggang 3 Setyembreโ93 Yellow at 30 Red Alerts.
Noong 26 Agosto, 938.9 MW ang unavailable capacity, kasabay ng 32 plantang naka-forced outage at 15 na derated. Noong 3โ4 Setyembre, umabot naman sa 815.8 MW ang unavailable capacity.
At hindi doon nagtapos. Nagpatuloy ang grid alerts hanggang sa huling bahagi ng Setyembreโkabilang ang Red at Yellow Alerts noong 24 Setyembre at Yellow Alerts noong 26 at 28 Setyembre.
Isa o dalawang hindi inaasahang insidente ay maaaring mangyari. Ngunit kapag paulit-ulit sa loob ng maraming buwan ang alerts at umaabot sa MLD, hindi na sapat na ipaliwanag lamang kung ano ang nangyari. Kailangang malaman kung ano ang ginawa upang maagapan ang pag-uulit nito.
May mga hakbang nang isinagawa. Nagsagawa ang DOE at ERC ng inspections sa ilang generating units upang alamin ang sanhi ng outages, suriin ang kondisyon at compliance ng mga planta, at bantayan ang corrective actions.
Pero sa harap ng 123 alerts at patuloy na pag-uulit ng problema, nagtatanong ang NASECORE sa DOE:
Kailan natukoy ng DOE na ang paulit-ulit na alerts ay hindi na isolated incidents, at ano ang maagang preventive action na ginawa?
Ano ang ginawa upang maagapan ang recurring forced outages at derating bago humantong sa kakulangan ng available generation at MLD?
Paano tiniyak ng DOE na sapat at available ang Ancillary Services at Contingency Reserve kapag biglang nawalan ng generating capacity?
May mandato ang DOE sa ilalim ng EPIRA na tiyakin ang reliability, quality, at security ng electric-power supply, at bumuo ng mga polisiya upang magkaroon ng sapat na kapasidad, kabilang ang reserve requirements.
Para sa NASECORE, ang tanong ay hindi lamang kung may ginawang hakbang, kundi kung maaga, sapat, at epektibo ba ang mga ito upang maprotektahan ang mga konsyumer bago pa humantong sa paulit-ulit na grid alerts at pagkawala ng kuryente.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐๐๐บ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ. ๐๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ด๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป.
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐๐๐บ๐ฒ๐ฟโ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ, ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐.
Kung nais mong basahin ang sulat ng NASECORE sa DOE, i-click ang link na ito: https://tinyurl.com/muun9d94