Ang ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ-๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐ฃ๐๐ฅ) ay paraan ng ERC sa pagtatakda ng distribution rate ng isang electric utility. Pinagsasama rito ang historical costsโmga gastusing nangyari o na-incur naโat forecasted costsโmga tinatayang gastos at investments para sa susunod na regulatory period.
Dito nakatuon ang concern ng NASECORE. Sa historical costs, may aktuwal nang nagastos. Pero sa forecasted costs, projection pa lamang ang halaga. Kaya ang tanong: kung hindi pa incurred ang gastos, bakit kasama na ito sa rate na binabayaran ng consumers?
May malinaw na regulatory basis para itanong ito. Sa Section 4.7.7 ng ERC Rules for Setting Distribution Wheeling Rates, kabilang sa Annual Revenue Requirement ang mga gastusing forecasted for the Regulatory Year. Samantala, sa Section 25 ng EPIRA, nakasaad ang prinsipyo ng full recovery of โprudent and reasonable economic costs incurred.โ
Mahalaga rin ang Section 43(f) ng EPIRA, na nagsasabing ang rates ay dapat magbigay lamang ng recovery ng just and reasonable costs at tiyakin ang reasonable price of electricity. Para sa NASECORE, paano masasabing prudent, just, at reasonable ang isang gastos kung forecast pa lamang ito at hindi pa aktuwal na incurred, verified, at nasusuri?
Parang nagpapagawa ka ng cabinet. Sabi ng karpintero, tantiyang โฑ10,000 ang magiging gastos, pero hindi pa siya nakakabili ng lahat ng materyales at hindi pa tapos ang trabaho. Hihingin na ba niya agad sa iyo ang buong โฑ10,000? Natural lang na gusto mong malaman muna kung magkano talaga ang nagastos bago ka singilin nang buo.
Kaya kung forecasted costs ang isinasama sa rate, dapat malinaw sa consumers kung bakit ito sinisingil bago pa maging aktuwal na gastos, paano ito vine-verify at nire-reconcile, at kung may sobra, paano ito ibinabalik.
๐๐๐ป๐ด ๐ณ๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ฎ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐น, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐.