Ang WESM o Wholesale Electricity Spot Market ay pamilihan ng kuryente kung saan nagkakaroon ng transaksyon ang mga generators, distribution utilities, electric cooperatives, at iba pang market participants.
Pero ang supply ng kuryente para sa mga captive consumers ay obligasyon ng distribution utility o electric cooperative, kadalasan sa pamamagitan ng Power Supply Agreement o PSA na dumaan sa competitive selection process at inaprubahan ng ERC.
Dito pumapasok ang mas malaking tanong ng NASECORE:
Kung naka-kontrata na ang supply para sa captive consumers, ano pa ang kinalaman ng WESM sa singil na ipinapasa sa atin? At kung may Market Fee na umaabot sa ordinaryong consumer, ano ang legal na basehan para ipasa ito sa kanya?
Hindi sapat na sabihing may Market Fee para sa pagpapatakbo ng WESM. Dapat malinaw din kung anong serbisyo ang sinisingil, paano ito nauugnay sa contracted supply, paano ito kinukuwenta, at bakit consumers ang pumapasan ng gastos nito.
Ito ang hinihinging paliwanag ng NASECORE sa ERC.
Kung may singil sa consumer, dapat malinaw kung ano ang binabayaran, bakit ito sinisingil, at saan ang legal na basehan nito.
Basahin ang buong sulat ng NASECORE sa ERC sa link na ito: https://tinyurl.com/8xywpdxh