Binabayaran ng consumers ang Ancillary Services para may nakahandang reserve kapag kailangan ng grid.
Pero hindi lang minsan o dalawang beses ang Yellow at Red Alerts sa Visayas.
Kapag nauuwi pa ito sa Manual Load Dropping (MLD), natural lamang itanong: handa ba talaga ang reserve noong kailangan ito?
Noong September 1, 2026, sumulat ang NASECORE sa ERC at humingi ng accounting at verification sa reserve situation ng Visayasโkabilang ang required reserve, aktuwal na available at dispatchable capacity, at kung gaano karami ang na-deliver sa mga relevant na pangyayari.
Sa tugon nito noong September 11, sinabi ng ERC na may kapangyarihan itong suriin kung may pagkukulang ang NGCP o Ancillary Service Providers sa kanilang reserve obligations, ngunit ang finding of non-compliance ay kailangang dumaan sa pormal na proceeding.
Kaya may mga tanong na dapat malinaw sa consumers:
Ano ang na-monitor at na-verify ng ERC bago muling nagkaroon ng MLD?
Kung may nakita nang kakulangan o panganib sa reserve, anong corrective action ang ginawa?
At kung kailangan ng pormal na proceeding upang malaman kung may pagkukulang sa reserve obligations, kailan ito gagawin?
Panawagan ng NASECORE ay gamitin ang regulatory authority upang ma-verify ang reserve compliance, matukoy kung may pagkukulang, at maisagawa ang kinakailangang corrective action upang maprotektahan ang consumers laban sa paulit-ulit na MLD.
๐๐ณ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฒ๐ฑ ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐๐บ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐น๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฐ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐๐ ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ถ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ, ๐ฑ๐ถ๐๐ฝ๐ฎ๐๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ, ๐๐ต๐ฒ๐ป ๐ด๐ถ๐๐ฒ ๐ถ๐ ๐๐ผ ๐๐ต๐ฒ๐บโ๐ฒ๐๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐น๐ ๐๐ต๐ฒ๐ป ๐ถ๐ ๐ถ๐ ๐ป๐ฒ๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐บ๐ผ๐๐.
Kung nais mong mabasa ang sulat ng NASECORE sa ERC, i-click lang ang link na ito:https://tinyurl.com/jph9nmum