Noong 5 Agosto 2026, naghain ang NASECORE ng Motion for Reconsideration sa Energy Regulatory Commission (ERC), na may kahilingang suspendihin muna ang collection ng disputed β±8.708 bilyong under-recovery habang dinidinig ang MR.
Malinaw ang posisyon ng NASECORE: hindi namin sinasabing lahat ng under-recovery ay bawal kolektahin. Kung ito ay tunay, lawful, prudent, reasonable, at napatunayan, maaari itong ma-recover. Ang tanong ay kung sapat bang ipinakita ang auditable at transparent na ebidensya bago ipasa ang bilyon-bilyong singil sa consumers.
Sa β±8.708 bilyong remaining balance, β±7.299 bilyon ang Generation Under-Recovery (GOUR), katumbas ng β±0.070129/kWh sa loob ng 36 buwan. Ngunit hinihiling ng NASECORE na maipakita ang supplier-, PSA-, WESM-, invoice-, at month-level reconciliationβkasama ang applicable rates, amounts na naipasa na sa consumers, credits, offsets, corrections, at prior recoveries.
Bago maningil, dapat kayang sundan ang bawat piso mula sa pinagmulan hanggang sa bill ng consumer.
Kung kulang ang reconciliation ngayon at mabawasan kalaunan ang anumang bahagi ng charge, magiging mas mahirap ibalik ang nakolektaβlalo na sa closed o transferred accounts. Kaya ang hinihingi ng NASECORE ay simple: preserve the status quo, kumpletuhin ang patunay, at saka lamang kolektahin ang halagang tunay na napatunayan.
Hindi dapat βcollect first, explain later.β
Sa β±8.7 bilyon, karapatan ng consumers ang malinaw, masusuri, at sapat na patunay.