๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ต๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ดโ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐๐บ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป: ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐๐๐น๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด, ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ผ๐?
Noong 2 Setyembre 2026, sumulat ang NASECORE sa DOE upang hilinging imbestigahan at tukuyin ang tunay na sanhi ng Manual Load Dropping (MLD)โkung ito ba ay nagmula sa generation, reserves at Ancillary Services, transmission, system operation, o kombinasyon ng mga ito.
Hiniling din na matukoy kung maaari sanang naiwasan o nabawasan ang interruptions at kung saan nagmula ang anumang mapapatunayang failure o non-compliance.
Tumugon ang DOE at naglatag ng mga paliwanag at hakbang. Sa hiwalay nitong tugon sa NASECORE, sinabi mismo ng DOE na nire-reconcile nito ang projected requirements, contracted supply, dependable capacity at actual available generation upang matukoy ang sanhi ng recurring shortages at maisagawa ang corrective measures.
Naglatag din ang DOE ng mga hakbang kaugnay ng generation reliability, additional Ancillary Services, transmission projects, preventive maintenance at generator accountability.
Pero nagpapatuloy ang Grid Alerts.
Ngayong 28 Setyembre, muling nagdeklara ang NGCP ng Yellow Alert sa Visayas Grid dahil sa tight reserves, habang may malaking generating capacity na unavailable sa Grid.
Kaya malinaw ang hinihingi ngayon ng consumers:
Ano na ang resulta ng imbestigasyon? Saan talaga nagmula ang problema? Ano ang naging resulta ng mga corrective measures? At kung may mapatunayang pagkukulang o paglabagโsino ang dapat managot?
Higit sa mga paliwanag at hakbang na inilatag, hinihingi ngayon ng consumers ang malinaw na findings, resulta, at accountability. Kapag nauuwi sa MLD at pagkawala ng kuryente, apektado ang trabaho, kabuhayan, negosyo, pag-aaral at pang-araw-araw na buhay ng mga pamilya.
DOE, ilabas ang malinaw na resulta ng imbestigasyon. Karapatan ng consumers na malaman kung ano talaga ang nangyari, ano na ang naitama, ano pa ang kailangang ayusin, at kung may mapatunayang pagkukulangโsino ang mananagot.
Basahin ang mga sulat ng NASECORE sa DOE patungkol sa MLD sa link na ito: https://tinyurl.com/muun9d94