๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐๐บ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐น ๐๐ฒ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐. ๐๐๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐๐ถ๐น๐ถ๐๐ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ฐ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐น, ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป?
๐๐ป๐ด ๐๐ป๐ณ๐ฎ๐ถ๐ฟ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป!
Ang Bill Deposit ay security o garantiya na galing mismo sa consumer. Hindi ito bayad sa nagamit na kuryenteโpera pa rin natin ito at hindi ordinaryong puhunan ng utility.
Dito nakatuon ang concern ng NASECORE.
Historically, ang Bill Deposits ay nabigyan ng 10% return, ngunit sa mga sumunod na regulatory treatment ay bumaba nang malaki, kabilang ang humigit-kumulang sa ยผ of 1% percent or 0.25% sa ilang panahon. Samantala, sa kasalukuyang rate case, 14.6% WACC ang proposed ng MERALCO, na may direktang epekto sa financing assumptions at sa rates na babayaran ng consumers.
Halimbawa, kung may 1,000 consumers na tig-โฑ10,000 ang Bill Deposit, may โฑ10 milyon na consumer funds na hawak ng utility. Kung 0.25% ang applicable return, nasa โฑ2.50 lamang kada consumer ang interest sa isang taon.
Ngayon, kung ang pondong ito ay available at nakakatulong upang mabawasan ang kailangang hiramin o kunin mula sa mas mahal na financing, may posibleng financing benefit na nagmumula sa pera ng consumers.
Kaya tanong ng NASECORE:
Kung napapakinabangan ang Bill Deposits bilang murang source of funds, magkano ang benepisyong nakukuha ng utilityโat saan o papaano ito bumabalik sa consumers?
Hindi sinasabi ng NASECORE na awtomatikong 14.6% din ang dapat maging interest ng Bill Deposit. Ang hinihingi ay malinaw na disclosure: magkano ang Bill Deposits, magkano ang interest na natatanggap ng consumers, at saan na-credit ang anumang financing benefit na nagmumula rito.
Ito ang hinihiling ng NASECORE sa ERC: obligahin ang MERALCO na ilabas at ipa-verify ang mga datos bago aprobahan ang mga rate components na babayaran ng consumers.
Pera ng consumer ang Bill Deposit. Kung may pakinabang dito ang utility, dapat malinaw kung paano rin nakikinabang ang consumer.
Basahin ang sulat ng NASECORE sa ERC sa link na ito: https://tinyurl.com/2vf5pc7d